DAGUPAN CITY–Agad na nakipag ugnayan ang Provincial Health office kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil upang makapagsagawa ng mga kaukulang hakbang kasunod ng pagkamatay ng isang pasyente na isinugod sa Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan na nasa kategoryang Patient Under Investigation o PUI.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Marie de Guzman, inirekomenda mismo ni Gov. Amado “Pogi” Espino III na magkaroon ng total lockdown sa kanilang nasasakupan partikular na sa Brgy. Libsong West dahil hindi pa naumpisahan ang contact tracing.

Gayunpaman, ang mga residente sa lugar ay naka quarantine ng 14 na araw upang makita kung mayroon pang na-infect galing sa naturang biktima.

--Ads--
Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna Marie de Guzman

Samantala, plano ng kapitolyo na gawing hospital isolation ang Agricultural Training Institute Compound sa Brgy. Tebag East sa bayan ng Sta. Barbara para sa mga Patient Under Investigation o PUI na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.