Nasurpresa at halos hindi makapaniwala ang topnotcher sa mechanical engineering licensure exam na siya ang manguna na may pinakamataas na score na 90.05 sa lahat ng 621 na examinees.

Sa esklusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Engr. Nathaniel Beaver Apostol Mendoza, mula sa bayan ng Binmaley at nag aral sa Saint Louis Uiversity sa lungsod ng Baguio, ang tanging hangad lang niya ay makapasa sa eksaminasyon.

May payo naman siya sa mga kukuha pa lang ng licensure exams na mag review ng maigi.

--Ads--

Alamin kung saan mahina at magpokus o maglaan ng oras sa mga hindi alam na topics.

Dagdag pa niya na kailangan na pagtibayin ang loob at magkaroon ng disiplina.

Sa ngayon ay tumitingin na siya ng mga kompanya na puwedeng pag aplayan ng trabaho.

Nabatid na pinakauna siyang engineer sa kanilang pamilya.

Engr. Nathaniel Beaver Apostol Mendoza

Samantala sa panig naman ng top 6 na si Engr. Emmanuel Fernandez Villasin mula sa bayan ng Lingayen, sinabi niya na dahil online learning ay walang nagsusupervise sa kanilang instructor kaya pinairal lang ang disiplina at masusing pag-aaral.

Mahirap aniya ang pagsusulit pero nakatulong ang pag rereview ng maigi.

Payo rin niya sa mga kukuha pa lang ng licensure exam na tulungan ang sarili, at mas maganda aniya na may mga kasama sa pag aaral at magtulungan sa mga topics na mahirap iresolba.

Engr. Emmanuel Fernandez Villasin

Nabatid na kapwa magkaklase ang dalawa mula highschool at college.

Katulad ni Mendoza ay siya rin ang unang engineer sa kanilang pamilya.