Dagupan City- Nahaharap ang Top 8 regional target drug personality sa bayan ng Calasiao, Pangasinansan sa patong-patong na kaso matapos mahulian ng shabu na nagkakalahaga ng P54,400 at mga baril.

Ayon sa kay Mariepe De Guzman, Public Information Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency Region1, nakumpiska sa suspek na si alyas ‘Rogel’, residente sa nasabing bayan ang 14 na pirasong sachet ng shabu na nasa humigit-kumulang walong gramo, iba’t ibang drug paraphernalia, at mga baril.

Agad namang nagkasa ng search warrant ang ang hanay PDEA Region 1 katuwang ang PDEA – Pangasinan Provincial Office at kapulisan.

--Ads--

At naaresto ang suspek na sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na detention facility sa syudad ng Urdaneta, at nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 11 Possession of Dangerous Drugs, at Section 12 Possession of Drug Paraphernalia, Article II ng RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa RA 10591 o An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.