Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang naaresto na Top 2 Municipal most wanted person dahil sa kasong attempted murder sa bayan ng Alcala dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Pmaj. Mark Tubadeza ang Officer in Charge ng Alcala Municipal Police Station, inimplementa ang arrest warrant sa 38-anyos na lalaking suspek sa kanyang tinitirhan sa barangay Kisikis.
Aniya ,ito ay nakasuhan ng attempted murder noong nakaraang taon dahil sa pananakit sa nakaalitan dahil sa lupa .
Sa kaso nito mayroong inirerekomendang bail bond na nagkakahalaga ng nasa 120,000 pesos.
Saad pa ni Pmaj. Tubadeza na isolated lamang ang ganitong kaso sa kanilang nasasakupan dahil bihira lamang mangyari ito.
Karamihan kasi sa mga nagiging kaso na kanilang naihahain sa mga indibidwal ay mga physical Injury at gender based-violence ngunit gumagawa sila ng mga kaparaanan para maiwasan ang ganitong mga kaso sa susunod dahil nais nilang mapanatiling payapa ang nasabing bayan.