DAGUPAN CITY–Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng otoridad sa San Vicente, Baguio City, ang top 2 Most Wanted Person ng bayan ng Mapandan.

Ayon kay Police Captain Jedd Harry Garcia, Mapandan OIC – COP, nahuli ang suspek na kinilalang si William Tenorio, 19 anyos na construction worker at residente ng Barangay Pias sa naturang bayan, na may kasong 3 counts of rape.

Naganap ang krimen noong June, July at panghuli noong August 22, 2019 sa barangay Amanoaoac kung saan ang biktima ay isang 14 anyos na tatlong beses na pinagsamantalahan na nakilala ng suspek sa pamamagitan ng facebook subalit parehong residente ng bayan ng Mapandan.

--Ads--

Nagawa pa ng suspek na pumuslit at magtago sa Baguio City bago ang lockdown.

Sa pagmonitor ng mga operatiba sa mga kamag-anak at kabarangay ng suspek, napag-alaman na nasa lungsod ito ng Baguio kayat agad na nagsagawa ng koordinasyon ang Mapandan PNP sa police regional office ng Baguio para madakip ang suspek.

Dati ng nakasuhan ang suspek halos isang taon na ang nakalilipas sa pamamagitan ng regular filing pero ngayon lamang nadakip.

Police Captain Jedd Harry Garcia, Mapandan OIC – COP

Mayroong minimum of 10 years o reclusion perpetua na walang piyansa ang kasong 3 counts of rape na isinampa laban sa suspek.

Sa ngayon, nakapiit na ang suspek sa Mapandan Police station.