Arestado ang Top 2 at Top 4 most wanted person sa kasong Statutory Rape sa bayan ng Alcala sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PMAJ. Mark Tubadeza, OIC ng Alcala PNP, kinilala ang nahuling top 2 most wanted na si Arthuro Castro Mendoza, 58 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Anulid, sa nasabing bayan.
Naaresto rin ang kasamahan nito na may kasong top 4 most wanted municipal level sa kasong statutory rape.
--Ads--
Nahuli ang mga ito ng mga tauhan ng Alcala Police Station sa nasabing barangay sa bisa Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Napagalaman na nangyari ang insidente noon pang nakaraaang taon.