Dagupan City – Arestado ang isang 56-anyos na lalaki na kabilang sa Top 10 Provincial Most Wanted Person matapos isilbi ang warrant of arrest sa Barangay Pangascasan, Sual, Pangasinan, bandang alas-1 ng hapon noong Setyembre 23, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Sual Municipal Police Station bilang lead unit, sa ilalim ng pangunguna ni PMAJ Mark Archie M. Aguilar, Officer-in-Charge, katuwang ang Regional Intelligence Unit 1 (RIU1) at 105th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1).
Inaresto ang suspek batay sa warrant of arrest na inisyu noong Setyembre 21, 2026 kaugnay ng kasong Qualified Rape of a Minor, na walang inirekomendang piyansa.
Dinala ang inarestong indibidwal sa kustodiya ng Sual MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Bahagi ang operasyon ng patuloy na pagtutok ng Sual MPS sa pagtukoy, pagmamanman at pag-aresto sa mga wanted person, katuwang ang iba pang police units para sa maayos na pagpapatupad ng mga warrant of arrest at pagpapanatili ng seguridad sa lugar.









