Dagupan City – Naitala ng Urdaneta City Police Station ang isang malaking tagumpay dahil sa pagkakaaresto sa isang Top 10 Most Wanted Person sa Region 1 sa ikinasang operasyon.
Nagresulta sa pagkakadakip sa 33-anyos na suspek na residente ng Urdaneta at Villasis kung saan pinangunahan ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1 katuwang ang Urdaneta City Police Station at Villasis Police Station
Nahaharap ang suspek sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang paglabag sa Election Gun Ban habang patong-patong na paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaugnay nito, dinala siya sa isang pagamutan sa Urdaneta City para sa medical examination bago tuluyang ipasakamay sa Urdaneta City Police Station para sa tamang disposisyon.










