Arestado na ang top1 most wanted person sa municipal level sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan matapos maihain ang kaniyang warrant of arrest na 2 counts of statutory rape dahil sa panggahasa nito sa kaniyang pitong taong gulang na pamangkin.
Ayon kay Pmaj Jim Helario, officer in charge ng Malasiqui PNP, nahuli ang suspek sa Valenzuela City kung saan nagsagawa ng joint operation ang mga kapulisan matapos may makapagbigay impormasyon na ito ay nagtatago dito dahil mayroon itong kamag anak sa naturang lugar.
Ang kaso ay naisampa noon pang November 2019 nang maireport ito sa kapulisan.
Sa ngayon ay nasa nasabing himpilan pa ang suspek at hindi pa tuluyang naililipat sa BJMP dahil ayon na rin sa opisyal ay madaming kinakailangang requirements ang kulungan para sa pagtratransfer ng mga inmates ngayong panahon ng pandemic.
Ang ilan dito ay kelangan iswab test ang mga ito at maiturn over ang mga inmates mula sa naturang bayan.
Sinisiguro naman ng opisyal na mabibigyan ng hustisya ang biktima dahil sa ngayon ay uusad na ang kaso ng suspek at pagbabayaran nito ang kaniyang kasalanan dahil on going na ang court proceedings sa naturang insidente.
Sa ngayon ay naipagbigay alam na rin sa pamilya nang biktima na naaresto na ng kapulisan ang suspek.




