DAGUPAN CITY —       Arestado ang top 1 Most Wanted Person sa Brgy. San Miguel sa bayan ng Calasiao matapos maimplementa ang warrant of arrest nito dahil sa kasong Rape.

        Sa impormasyon mula sa Calasiao PNP, ang suspek ay kinilala bilang si Robert Marikit, 43 anyos, may asawa, PCSO table manager, at residente ng Brgy Sto. Tomas Calauan Laguna.

        Sa matagumpay naman na operasyon ng pinagsamang pwersa ng mga kasapi ng Calasiao MPS , PIU PANGPPO, CIDG Pangasinan, CIDG RSOT, at Quezon MPS ay naaresto ang naturang suspek at nadala na sa kostudiya ng Calasiao PS, halos isang taon simula ng lumabas ang warrant of arrest nito noong February 10, 2020. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)

--Ads--