BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang top 1 most wanted person municipal level sa bayan ng Burgos matapos magkasa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Burgos MPS kasama ang PIU/RA Pangasinan PPO.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pcpt. Ramil A. Castro COP, Burgos PNP na sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch para sa krimeng Panggagahasa, at apat na bilang ng paglabag sa section 5 (1) ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na walang inirekomendang piyansa para sa Panggagahasa at P72,000 bawat isa para sa paglabag sa RA 9262.

Kinilala ang suspek na si Mamerto Boston Domondon Jr., 48 taong gulang, may asawa, driver, at residente ng Brgy. San Pascual sa nasabing bayan.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay dinala ang naaresto sa Dasol Community Hospital sa bayan ng Dasol para sa medikal na pagsusuri.

Matapos nito ay dinala sa Burgos MPS para sa kaukulang disposisyon.