BOMBO DAGUPAN – Arestado ang top 1 Most Wanted Person in Municipal level dahil sa 9 counts of Qualified Theft sa barangay Mabilao, sa bayan ng San Fabian dito sa lalawigan ng Pangasinan sa tulong na rin ng pinagsanib na puwersa ng San Fabian PS kasama ang Aringay MPS, La Union PPO, at Maritime Law Enforcement Team (MLET) San Fabian.

Ayon kay PMAJ. Conrado Norial , Deputy Chief of Police ng San Fabian PNP, kinilala ang naaresto na si Egdar Bugaring Agatep 40 taong gulang, may asawa, caretaker, at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Bolasi, San Fabian.

Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 9 counts ng Qualified Theft kung saan ang rekomendadong bail bond ay PhP24,000.00 bawat isa.

--Ads--

Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa custody na ng nasabing himpilan habang hinihintay ang issuance ng commitment order mula sa korte.