BOMBO DAGUPAN – Nahuli ang Top 1 city level most wanted person sa lungsod ng San Carlos dahil sa kasong statutory rape.

Ayon kay PLT. MC Kinley Mendoza PIO, San Carlos City PNP na ang nanay at ang biktima ang nagpunta sa kanilang himpilan nitong mayo lamang upang maireport ang insidente.

Kung saan napag-alaman na ang suspek at biktima ay dating magkasintahan kung saan dinala ng suspek ang biktima sa isang manggahan at doon sapilitang ginawa ang panghahalay sa biktima na menor de edad.

--Ads--

Ani Mendoza hindi matanggap ng ina ng biktima ang nangyari at aniya na ito ay lagpas sa limitasyon nilang magkasintahan.

Kinilala ang suspek na si Jhune Cydrick Pulmano Cagampan, 21 anyos, binata, estudyante, at residente ng Brgy.Maliwara sa nasabing lungsod.

Kaugnay nito ay noong hunyo noong nakaraang taon pa nangyari ang insidente subalit ngayon lamang naireport sa kanilang himpilan at agad namang nahuli ang suspek.

Dinala ang akusado sa San Carlos CPS para sa kaukulang dokumentasyon at wala namang karampatang piyensa para sa kasong kinakaharap nito.

Samantala, nagpaalala naman ito lalo na sa mga kabataan na huwag ng lumabas at gumala kapag dis oras ng gabi gayundin sa mga magulang na gawin din ang kanilang parte sa pagpapaalala at pagbabantay sa kanilang mga anak.