Panloloob at pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pagpatay sa tiyahin ng alkalde sa bayan ng Sta Barbara matapos itong pagsasaksakin sa loob ng kaniyang resthouse.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ. Apollo Calimlim OIC ng Sta Barbara PNP, sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na nangyari ang insidente sa pagmamay-aring resthouse ng biktima sa barangay Alibago kung saan natagpuan na lamang ito ng kaniyang anak na duguan at wala ng buhay.

Napag-lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang itak at nagtamo ito ng mga tama sa kaniyang leeg.

--Ads--

Sa ngayon ay hindi pa umano tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek bagamat kumpleto na ang kanilang mga nakalap na ebidensya na maaring makapagturo sa dito.

Dagdag pa ng opisyal, hindi rin nila nakikita na maaring maging motibo rito ang pagiging magkamag anak nila ng alkalde sa naturang bayan.