DAGUPAN CITY- Nauubos na umano ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyon ng gobyerno dahil sa mabagal na pagpapanagot sa mga sangkot sa lumalalang kurapsyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People Empowerment in Governance (CENPEG), aniya, lumalabas sa mga survey na hindi na umaasa ang karamihan ng Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng gobyerno.

Aniya, mas pinagkakatiwalaan na ngayon ang mga Civil Society Groups at inaasa na sa mga ito ang pag-asang pinanghahawakan ng mga Pilipino.

--Ads--

Nag-ugat ito sa mga nakababahalang kaganapan sa ahensya at sa mabagal na imbestigasyon sa Flood Scam.

Nahaharang umano ang hustisya dahil maliliit na tao lamang ang napapanagot.

Nagkakaroon pa ng malaking pressure sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at kaniyang pinaniniwalaang bahagi ito sa pagkasawi ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.

Binigyan diin niya na ang pagkawala ng tiwala sa ahensya ng gobyerno ay kalakip ang pagkawala rin ng tiwala sa pagpapatupad ng batas.

Napapanahon na aniya ang pagsabatas ng Independent People’s Commission na binubuo ng mga anti-corruption watchdogs na hindi konektado sa gobyerno.

Samantala, umaasa naman ang CENPEG na maibalik ng Blue Ribbon Committe ang tiwala ng taumbayan sa kanilang muling pagpaaptuloy.