Sugatan ang nasa 60 pulis sa nangyayaring tensyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.
Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) XI Spokesperson Maj. Catherine Dela Rey na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Aniya ang mga ito ay nagtamo ng iba’t ibang sugat sa kanilang katawan na kinabibilangan ng ulo, leeg, sugat sa nose bridge, sa mukha, paa, kamay at knee injury kasunod nang nagpapatuloy na pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa puganteng si Apollo Quiboloy at 4 pang kapwa akusado nito.
Sa kabila nito, patuloy naman ang panawagan ng hanay ng kapulisan sa mga taga-suporta ni Quiboloy na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan upang maiwasan ang sakitan.
Nasa tinatayang 29 na KOJC members naman na ang ipinagharap ng reklamo ng pulisya. Ilan sa mga kasong isinampa laban dito ay obstruction of justice, direct assault, resisting arrest, disobedience to agents of authority at BP 880 o Public Assembly Act.