Dagupan City – Nagpapatuloy pa rin ang pagkukumahog ng mga bumbero sa California katuwang ang iba pang mga awtoridad sa bawa’t katabing estado.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa California bagama’t nakataas na kasi ang Federal Disaster System at lahat ng maaring rumesponde ay naka-activate na sa bansa, ay nanantiling pahirapan pa rin ang isinasagawang pag-apula ng mawalakang apoy dahil na rin sa malakas na hangin.
Dahil dito, pumalo na sa higit 180,000 mga ibdibidwal ang naitalang evacuees sa lugar at nasa kaniya-kaniya na rin nilang mga evacuation areas.
Bagama’t kumalma o humina na ang malakas na hangin kagabi, nadagdagan naman aniya ang naitalang pagkalat ng apoy. Kung saan ang dating apat lamang na estadong inabot nito, ngayon ay nasa lima na.
Umabot na rin sa higit 416,000 kabahayan ang nawalan na ng suplay ng kuryente at nanatiling mataas ang nararanasang pollution dulot ng usok.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 5 tao kumpirmadong nasawi ang Los Angeles at inaasahang madaragdagan pa ang bilang dahil sa nagpapatuloy na sunog.
Samantala, bukas aasahan muli ang paglakas ng hangin na aabot sa 50-70 milya kada oras.