Dagupan City – Nasa tinatayang 1000 student-driver applicants mula sa Mangaldan ang dumagsa sa Macario Ydia Development Center (MYDC) kamakailan.
Pinangunahan ito ni Land Trasportation Office Region 1 Director Glorioso Daniel Martinez katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno.
Ayon kay Martinez, mahalagang matapos at makumpleto ng mga dumalo ang 15-hour classroom sessions na kinapapalooban ng limang modyul gaya na lamang ng; Module 1: Introduction to Land Transportation, Module 2: Road and Traffic Rules, Module 3: Pre-driving Orientation on Motor Vehicle Operations, Module 4: Defensive Driving and MV Maintenance, at Module 5: Handling Emergency.
Sa mensahe ni Municipal Administrator Atty. Teodora S. Cerdan, pinasalamatan nito ang mga residente sa bayan na nagpamalas ng mainit na pagtangkilik sa programa.
Kaugnay nito, Binigyang diin naman ng alkalde ang aktibidad na alinsunod sa kanyang adbokasiya ng pagsusulong sa mga programang nagpapahalaga sa kaligtasan at sa buhay, sa pamamagitan ng pagiging responsableng driver sa kalsada na dumaan sa tamang training at mayroong sapat na kaalaman sa pagmamaneho at sa mga batas trapiko.