Dagupan City – Aabot sa isang daan na food packs ang ipinamahagi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga residente na naapektuhan ng kakatapos na bagyong Kristine sa Lungsod ng ALaminos.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Corporate Communications and Public Affairs Ernest Lorenz Vidal katuwang ang pamahalaang local ng syudad sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan Celeste ang syang alkalde ng syudad.
Lubos naman ang nagging pasasalamat ng alkalde dahil sa lubos na tulong na ibinigay sa kanyang mga nasasakupan para sa karagdagang kinakailangan ng mga nasalanta ng naturang bagyo.
Samantala, nagsagawa ng pagpupulong ang Office of the City Mayor katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRM) at Response Cluster ng iba’t ibang departamento bilang paghahanda sa posibleng epekto ni bagyong Nika sa kanilang nasasakupan.
Layunin ng pagpupulong na matiyak na nakalatag na ang lahat ng inisyatiba at patuloy na paghahanda ng buong pamahalaang lungsod sa kalamidad.
Kaugnay din nito ay nagpahayag ng direktiba ang alaklde sa mga ahensiya sa kanilang pag-alalay at ipinaalala ang mahahalagang gampanin ng bawat departamento upang masigurong mabilis at tama ang mga impormasyong maipapahatid sa publiko.
Nakaanatabay ang mga kagamitan at mga ayudang maaring kailanganin ng mga maapektuhan para sa kanilang kaligtasan.