Dagupan City – Nakumpiska ng mga awtoridad ang halos ₱50,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Lingayen.

Ikinasa ang operasyon pasado alas-diyes ng gabi sa Barangay Namolan kung saan target ang nasabing suspek na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na bentahan ng droga.

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 7.3 gramo at tinatayang may halagang ₱49,640.

--Ads--

Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoridad ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.