DAGUPAN CITY–Umaabot sa 5,000 dollars o katumbas ng P250,000 ang ticket price sa Oracle Arena kung saan ginanap ang Game 3 ng best-of-7 series ng NBA Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Proffesor Gabriel Ortigoza, tubong Pangasinan na matagal ng naninirahan sa Sacramento California USA , ganito kalaki ang gagastusin ng mga nais manood sa loob ng court .

Hindi rin tulad aniya sa Canada na nagkaroon ng mga free viewing venue, walang ganun sa Amerika dahil karamihan sa mga tao doon ay negosyante at gustong kumita.

--Ads--

Inihayag din ni Ortigosa na bagamat balwarte ng Golden State Warriors ang California ay may ilan pa ring mga Pilipino doon ang maka Toronto Raptors .

Nakapagtala na ng 2-1 lead ang Toronto Raptors laban sa Golden State Warrios sa sariling homecourt ng huli sa score na 123-109.