Nangunguna na ngayon sa promotion si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa laban nila ni undefeated WBA super welterweight Keith Thurman bukas.

Nabatid kay Bombo International Correspondent Professor Gabriel Ortigoza ng University of California Davis na naging underdog na si Thurman pagdating sa bilang ng mga pumupusta sa kanya at naniniwalang matatalo niya si Pacquiao.

Ayon kay Ortigoza, marami rin sa ibang nationality partikular na ang mga Mexicano ang tiwalang magwawagi bukas ang tinaguriang fighting Senator. May mga nagsasabi rin umano na kung sakaling lumaban bilang Senador sa ibang bansa si Pacman ay tiyak na mananalo rin ito.

--Ads--
voice of Professor Gabriel Ortigoza

Excited na rin aniya ang mga Pilipino doon at sa katunayan ay nagmistulang fiesta dahil sa dami ng handaan para sa laban ni Pacquiao.

Mababatid na kapwa tumimbang ng 146.5 pounds sina Manny Pacquiao at Keith Thurman.