Nabahala ang Denver Nuggets matapos magtamo ng injury sa tuhod ang three-time NBA Most Valuable Player na si Nikola Jokic sa kanilang 147-123 na pagkatalo laban sa Miami Heat.

Naganap ang insidente sa huling bahagi ng first half nang aksidenteng matapakan ni Spencer Jones ang paa ni Jokic.

Agad itong bumagsak sa sahig at napahawak sa kanyang tuhod, dahilan upang ihatid siya palabas ng laro.

--Ads--

Ayon kay Nuggets head coach David Adelman, kaagad na naramdaman ni Jokic na may mali sa kanyang tuhod.

Isasailalim ang 30-anyos na sentro sa MRI scan upang matukoy ang lawak ng pinsala.

Bago ang insidente, nakapagtala si Jokic ng 21 puntos at walong assists.

Sa kasalukuyan, siya ang nangunguna sa NBA ngayong season sa rebounds at assists, dahilan kung bakit malaking dagok sa Nuggets ang posibleng pagkawala ng kanilang pangunahing bituin.