DAGUPAN CITY- Nasa kabuuang 453 na pasyente ang matagumpay na na-operahan sa mata at nasa 1,380 katao ang nagpasuri ng kanilang mata mula sa iba’t ibang bayan sa Distrito uno sa lalawigan ng Pangasinan sa isinagawang 2nd Medical-Surgical Outreach Program ng SEE – Pangasinan Operation Klaro (Global Elimination of Preventable Blindness), na isinagawa ng International Academy of Medical Specialists (IAMS) sa lungsod ng Alaminos.

Kung saan lubos ang nagging pasasalamat ng mga benipisyaryo sa pagkakataon na matulungan sila pang mabigyan nang mas malinaw at maliwanag na paningin. Bukod dito ay nagsagawa rin ng thanksgiving mass para sa lahat ng mga benipisyaryo at mga taong tumulong upang maging matagumpay at possible ang aktibidad.

Ang proyektong “Global Elimination of Avoidable Blindness” ay isinusulong ng International Academy of Medical Specialists (IAMS)

--Ads--

Kaugnay nito sa ilalim ng gabay ni Dr. Federico Malvai, IAMS Mission Chairperson, ay nagsagawa ng post-op check-up sa Alaminos City Sports Complex. Ito ay handog ng pagmamahal, pakikiramay at pagpapasalamat mula kay Congressman Arthur F. Celeste ng Unang Distrito, City Mayor Arth Bryan C. Celeste, Governor Ramon ‘Mon-Mon’ V. Guico, III sa kanilang kababayan, katuwang ang naturang grupo upang matiyak ang ganap at maayos na paggaling para sa mga miyembro ng distrito na nakatanggap ng Libreng Medical Surgical Mission Program.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng syudad sa mga katuwang na organisasyon nito, lahat ng mga boluntaryo, civil society organizations at technical working groups para sa pagmamahal, sakripisyo at napakalaking suporta na nag-ambag sa tagumpay ng medical mission sa taong ito.