Dapat kilalanin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang term-sharing agreement nila ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Ayon kay professor Mark Anthony Baliton, isang political analyst sa lalawigan ng Pangasinan, dapat sundin ng dalawang opisyal kung hindi ay mas lalong magkakaroon ng krisis sa kongreso.
Naniniwala si Baliton na mas magiging maganda ang imahe ng kongreso Kapag ipinakita nina Cayetano at Velasco na nagkakaunawaan.
Umaasa ito na sakaling magpalit na ng liderato sa kamara ay walang mababago at masunod ang rule of equity.
Ang pinangangambahan lang dito ni Baliton ay baka mabaliktad ang situwasyon na yung malapit kay Velasco ay mabibigyan ng pabor at ang mga dating malapit sa house speaker ay hindi mabigyan ng pabor lalo na sa budget at mga priority projects.
Dagdag pa niya na mas maganda kung mas marami ang sumusuporta sa speaker.
Samantala, kung kututusin ay may impluwensya ang pangulo pagdating sa pagpili ng speaker pero ang kanyang disisyon ay ibinase kung ano ang mas makakabuti




