DAGUPAN CITY- Patuloy na tumataas ang tensyon ng Israel at Lebanon at pinapasok na rin ng pag-atake ang kalapit na syudad na Haifa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lovella Peronilla, Bombo International News Correspondent sa naturang bansa, lumilipat na ang ibang residente patungong Central Israel dahil malaki na ang pinsalang naitala sa syudad. Gayunpaman, wala pang naitatalang kaswalidad.

Aniya, malapit lamang ang naturang syudad sa border ng Israel at Lebanon at isa ito sa malaking syudad sa bansa kaya pinapasok na ng mga pag-atake.

--Ads--

Sa bahaging timog naman ng Israel, bagaman humina na ang pag-atake ng Hamas subalit nagawa pa rin nilang magpadala ng rockets bilang pagmarka ng isang taon gyera.

Sinabi naman ni Peronilla na nakakatiyak pa rin sila sa kanilang kaligtasan mula sa ilang rocket dahil maliban sa air defense ay may matatakbuhan silang bomb shelters.

Subalit, pinapangambahan naman nila ang kanilang kaligtasan mula sa pag-atake ng mga terorista sa tuwing sila ay lumalabas.

Kamakailan ay nagkakaroon aniya ng mga pananaksak ng mga terorista sa mga open areas.