Naranasan ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel ang matinding tensyon matapos ang sunud-sunod na missile alert dulot ng banta ng pag-atake mula sa Iran.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jay-C Cruz Aquino Bombo International News Correspondent sa Israel halos isang oras silang nanatili sa bomb shelter matapos naglunsad ng mga alerto ang Israeli Defense Forces (IDF).
Aniya na ito ang kaniyang unang pagkakataon na maransan ang ganitong pangyayari bagaman ay nabigyan sila ng mga babala ay labis pa rin niya itong ikinagulat.
Kaugnay nito ay tinatayang nasa 200 ballistic missiles ang pinakawalan ng Iran, bukod pa sa mga drones na lumipad patungong Israel.
Kung saan karamihan sa mga ito ay naharang ng kanilang “Iron Dome,” ang missile defense system ng bansa.
Subalit isa sa mga missile ang bumagsak sa Tel Aviv kung saan may mga napaulat na sugatan, bagamat wala pang kumpirmadong nasawi.
Sa ngayon ay pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga residente, kabilang ang mga dayuhang manggagawa, na agad na pumasok sa bomb shelter kapag may narinig na sirens.
Nakaalerto na rin ang Philippine Embassy sa Israel para sa mga posibleng paglikas mula sa mga high-risk area.