Nag isyu ng executive order si Bayambang Mayor Cesar Quiambao na nag aatas ng temporary ban sa pagpasok at paglabas ng mga buhay na baboy at frozen food sa kanilang bayan matapos magpositibo sa African Swine Fever ang 30 nasawing baboy sa barangay Apalen.

Sa panayam ng bombo radyo kay atty. Raymundo Bautista, municipal administrator sa bayan ng Bayambang, hindi nila alam kung anong mga bayan ang infected ang mga baboy ng African Swine fever.

Pinapayagan naman ang mga canned goods na aprubado ng FDA.

--Ads--

Samanta, pinagbabawalan din ang mga hotel , restoran at iba pang tindahan na magbenta ng mga pagkain na mayroong pork products.

Nauna ng kinumpirma ni Bautista na nakatakdang patayin ang nasa 300 baboy sa Brgy. Apalen ,upang hindi na kumalat pa ang nasabing sakit ng mga baboy.