DAGUPAN CITY- Dinagsa ng mga tao ang pagbubukas ng christmas lighting sa bayan ng Bayambang kagabi dahil sa tema nitong “Starwars”.
Ayon sa alkalde ng bayan na si Mayor Niña Jose-Quiambao, layunin nito na gawing makatotohanan ang isang imahinasyon sa kanilang bayan.
Ibinahagi naman ng alkalde ang kanilang mga nakatakdang aktibidad kung saan sa Nobyembre 25 magaganap ang pamaskong handog upang maghatid ng noche buena sa 42,000 pamilya sa kanilang bayan.
Dinaluhan naman nina Provincial Gov. Ramon “Monmon” Guico III at Vice Gov. Mark Ronald Lambino, former Bayambang Mayor Caesar Quiambao, Vice Mayor IC Sabangan, former Vice Mayor Raul Sabangan, at iba pang mga opisyal ang pailaw ng naturang bayan.
Ikinatuwa naman ng mga bumisita ang espesyal na pagdalo ng OPM Band na Lola Amour upang maghatid ng kantahan.
Samantala, upang maiwasan ang anumang insidente ay naging by batch ang pagpasok sa naturang pailaw.
Maliban naman sa mga karakter ng Starwars, nakita rin ang dalawang pangunahing karakter ng Transformers na sina Bumblebee at Optimus Prime.