Naitatala man ang delay sa paghahatid ng mga balota sa mga Pilipinong lalahok sa overseas absentee voting sa Amerika ay walang nangyayaring technical glitches na maaaring makaapekto sa halalan 2022.

Ito ang paglilinaw ni Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera sa kumakalat na ulat patungkol sa umano’y technical glitches sa naturang absentee voting sa Washington, DC.

Aniya masusi ang pagbabantay ng mga poll watchers sa isinasagawang botohan kung kaya’t masisigurong tama at walang dayaan ang nagpapatuloy na botohan para sa higit 37,000 na mga boboto sa Metrolopitan Washington DC area.

--Ads--

Sa ngayon ay hinikayat din nito ang lahat na bumoto lalo na’t ito lang ang tanging araw na magkakaroon ng kapantay-pantay ang bawat Pilipino.

Samantala sinabi rin nitong napakahalaga na maiwala sa mga inilalabas na political surveys dahil ito ay may siyentipikong basehan.

Bukod dito, idiniin naman nitong magkaroon ng respeto sa pinipiling kandidato ang bawat Pilipinong boboto sa eleksyon 2022.

TINIG NI ATTY. ARNEDO VALERA