BOMBO DAGUPAN– Mabilis na pagkatuto ng mga bata sa lesson ang isa sa umanoy magandang bagay at napakasarap na pakiramdam ng mga guro.

Ayon kay Noreen Barber, guro sa lungsod ng Alaminos, nawawala ang kanilang pagod sa tuwing sila ay binabati ng mga mag aaral at inaabutan sila ng mga bagay gaya ng bulaklak, simple card at chocolates kapag national teachers’ month.

Bilang isang guro ay nakakaantig aniya ang sulat ng mga mag aaral na naglalaman ng taos puso nilang pasasalamat sa kanilang mga guro at agkilala sa kanila bilang pangalawang magulang.

--Ads--

Saad ni Barber na sa tagal na nito sa serbisyo ay may mga nakikita siyang mga bata na dedicated sa pag aaral pero dahil sa kakapusan sa pera ay hindi makamit ang malaking pangarap kaya naman ito ay napakasakit din para sa mga ito.

Minsan ay dumudukot na rin sila sa bulsa nila kapag may mga bata na hindi nagrerecess dahil dahil sa kahirapan.

Pero sa tingin nito ay hindi pa rin sapat kaya nanawagan siya sa gobyerno na tutukan sana ang feeding program para sa mga bata.