Umarangkada na online ang teaser ng ‘Hello, Love, again’ nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Kung saan, naramdaman umano ng mga nitizens bigat at lungkot sa inilabas na bagong teaser ng bawa’t eksena.

Ayon sa mga post sa social media, ilang eksena pa lang ay damang dama na ang bigat at lungkot nina Joy at Ethan.

--Ads--

Batay naman sa ulat, malapit nang muling masundan ang naputol na love story nina Joy at Ethan sa “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 dahil ipalalabas na ang “Hello, Love, again” sa mga sinehan sa Nobyembre.

Dahil dito, ipinaabot ni Alden ang kaniyang pasasalamat sa pagmamahal na ipinakita ng fans nila ni Kathryn sa nakaraang advanced ticket selling ng pelikula.

Sa naturang teaser kasi ay binalikan ang pamamaalam nina Ethan at Joy sa Hong Kong, hanggang sa nakarating na si Joy sa Canada at nanatili ang komunikasyon nila ni Ethan sa pamamagitan ng mga tawag at video calls.

Kalaunan, sumunod na rin si Ethan sa Canada at muli silang nagkita sa airport pero tila may magbabago na sa pakikitungo nila sa isa’t isa.

Gaya na lamang ng panibagong pangalan umano ni “Joy” na naging “Marie” na sabay bitaw ng linya nitong “Joy is gone” na ikinabigla ni Ethan.