Dagupan City – Nakahanda na ang Team Unity ng bayan ng Calasiao para sa nalalapit na filing ng Certificate of Candidacy at sa 2025 Midterm Election.
Matapos magkaisa ang mga political leaders’ ng Calasiao ay napagpasyahan na suportahan ang Caramat-Macanlalay Team Unity.
Ayon kay Liga ng mga Barangay President at Konsehal Patrick Caramat, nabuo ang Team Unity sa hangarin na tuldukan na ang 33 taong mainit na tunggalian sa pulitika, isulong ang progreso at tunay na serbisyong publiko.
Binigyaang diin naman nito na bukas sa lahat ng mga aspirant independent candidate na tumakbo sa susunod na election sa bayan ng Calasiao.
Inilahad din ni Caramat na sa kanyang pamumuno bilang bilang Brgy Kapitan, nakita nito ang mga kailangang pang mga proyekto at program sa bayan at ang palagiang problema sa pagbaha na kailangang tugunan.
Aniya, malaking tulong din sa kanya ang pagiging isang Liga ng mga Barangay President na naging training ground nito para sa mas mataas na posisyon.
Ang mga nasa Team Unity ay kinabibilangan ni Caramat bilang Mayor, incumbent Mayor Kevin Roy Macanlalay bilang Vice Mayor at mga konsehal na sina incumbent Vice Mayor Nestor Gabrillo, re electionist Manny Datuin, Ardieson Soriano, Haverdani Das Mesina, Elias Villanueva at Myc Sison, kasama din si Coun. Joffy Loresco at anak ni Coun Gerald Aficial na si John Gabriel Aficial sa pagsabak sa darating na eleksyon.