Nakasungkit ng dalawang bronze medal ang dalawang manlalaro mula sa Pangasinan sa unang araw ng Batang Pinoy sa larangan ng Karatedo.

Ang dalawang manlalarong ito ay kinilala bilang sina Jelyn De Luna at Elisha Ulanday.

Ayon kay Dr. Alejandro Enrico Vasquez, ang National Vice President ng Karate Pilipinas Sports Federation, ang kanilang mga beteranong manlalaro ang sasalang ngayong pangalawang araw ng Batang Pinoy na nagaganap sa venues ng Metro Manila.

--Ads--

Umaasa naman sila sa kakayanan ng kanilang mga manlalaro sa pag-uuwi ng karangalan para sa Team Pangasinan.

Matatandaang ang dose (12) anyos na siklistang si Aerice Dormitorio ang kauna-unahang gold medalist ng 2023 Batang Pinoy.

Umuusbong naman bilang nangungunang siklista sa tilt’s Girls Under-13 cycling event ang nakababatang kapatid ni MTB (mountain bike) multi-medalist na si Ariana kung saan ay nakumpleto nito ang tatlumpung (30) minuto, tatlong lap na karera sa loob lamang ng apatnaput limang (45) minuto at 48.4 segundo.

Nalampasan niya ang walong iba pang katunggali para kumatawan sa Quezon City Local Government Unit squad.