Agad naman sinagot ng Team Aguila o Alyansang Guico – Lambino ang akusasyon ng kampo Espino na malawakang dayaan ng eleksyon sa Pangasinan.

Ayon kay Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao, ang lead convenor ng Team Aguila, nagsalita na ang taumbayan at dapat tanggapin nila na ayaw na sa kanila ng mga tao.

Giit niya na walang nangyaring dayaan sa naganap na halalan sa lalawigan.

--Ads--

Aniya, accurate ang sistema ng pcos machines, wala itong data at sd card dahil sa sumailalim ito sa testing and sealing bago gamitin sa araw ng halalan at kasama pa ang mga poll watchers na nagsagawa dito.

Ngayon na aniya ang panahon para sa pagkakaisa at kailangan makiisa ang kabilang kampo sa kabutihan ng lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ng team AguiLa.