Inihayag ng Tayug PNP na bomb scare lamang ang mga kumalat na text message at mga post sa social media sa umano’y tangkang pagpapasabog sa ilang bahagi ng Tayug, Pangasinan.

Ayon kay PLT. Erwin Eleazar Lopez, OIC ng Tayug PS, ng maireport sa kanilang tanggapan ang nasabing bomb threat ay agad nilang nirespondehan ito upang kumpirmahin at pinuntahan ang mga remittance centers at ilang pampublikong mga lugar sa nasabing bayan dahil nakasaad sa kumalat na text message na ito ang mga lugar na target pasabugin.

Sa ginawa ding verification ng kapulisan ay negatibo din umano ang mga impormasyon na mayroong apat na kalalakihan na may dalang mga bag dahil base sa kanilang pagtatanong sa mga residente sa lugar ay wala din namang nakitang kahina hinalang mga indibidwal na nagiikot ikot partikular sa mga matataong mga lugar.

--Ads--

Wala din umanong nakita o natagpuan na mga bomba sa nasabing bayan ngunit bagamat negatibo naman ito ay nagdagdag sila ng naka deploy na mga kapulisan upang paigtingin ang pagbabantay at mapanatili ang peace and order.

PLT. Erwin Eleazar Lopez, OIC Tayug PS

Sa kasalukuyan naman ay nagsasagawa pa ng validation kung sino ang nagpakalat ng naturang bomb scare sa pamamagitan ng text message at titiyakin umano nila na sasailalim ito sa imbestigasyon at kaharapin ang kaukulang mga kaso.

Samantala, tiniyak naman ni Lopez na walang dapat na ikaalarma ang publiko dahil patuloy na nakabantay ang buong kapulisan upang maiwasan na mangyari ang mga ganitong insidente na maglalagay sa alanganin sa seguridad ng kanilang mga kababayan.