Himas rehas ang bagsak ng tatlong suspek sa pagmassacre sa 18 magkakaank sa bayan ng Lusikisiki, sa South Africa.

Kinumpiram ni Police Minister Senzo Mchunu ang pag-aresto sa tatlong suspekt sa memorial service ng 18 mga biktima.

Sinabi din niya na kanilang ibabalita rin agad ang kanilang pag-aresto sa ika-apat na suspek.

--Ads--

Nasa edad 14 hanggang 64 naman ang mga biktima kung saan ilan sa mga ito ay nabaril sa ulo matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang dalawang bahay.

Ani Mchunu, ginagawa nila ang lahat upang pagtagpi-tagpiin ang kanilang mga ebidensya at alamin ang motibo sa pagpaslang.