Arestado ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang tatlong kalalakihan na nag-aalok ng pagkapanalo sa mga kandidato ng local elections kapalit ng milyon-piso halaga.
Sa isinagawang entrapment operation, nasawata ng mga otoridad ang mga ito na nag-aalok sa mag-amang kandidato ng garantisadong pagkapanalo sa 2025 elections kapalit ng P90-million.
Nagpapakilala umano ang mga suspek bilang mga Informtion Technology (IT) experts na may koneksyon sa Commission on Elections (COMELEC) upang kanilang mabago ang poll results.
Ayon kay Police Brigadier General Nicolas Torre III, PNP-CIDG acting director, natagpuan sa opisina ng mga suspeka ang ilang mga kagamitan o props subalit wala itong kapasidad upang ma-hack ang servers ng komisyon.
Samantala, itinanggi naman ng Comelec ang anumang koneksyon sa mga arestadong suspek.
Inaabisuhan naman nila ang mga kumakandidato na gamitin ang kanilang campaign funds sa pangangampanya, kaysa sa mga nasabing panloloko o scams.