DAGUPAN CITY- Tatlong katao ang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Mangaldan Police Station sa Barangay Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan, kamakailan lamang.

Ayon kay PLTCOL Perlito Tuayon, nakumpiska sa operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na limang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng 34,000 piso. Nakuha rin ang marked money na isang libo, karagdagang halos dalawang libong piso, at ilang cellphone na posibleng ginamit sa transaksyon.

Dinala sa istasyon ng pulisya ang mga suspek para sa imbestigasyon at paghahain ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Pinuri ni Pangasinan Police Provincial Director, Colonel Rollyfer Capoquian, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon. Aniya, hindi titigil ang kapulisan sa kampanya kontra ilegal na droga upang matiyak ang isang ligtas at drug-free na komunidad.