Tatlong silid-aralan ng Mangaldan National High School dito sa lalawigan ng Pangasinan ang pansamantalang walang kisame matapos itong sirain ng bagyong Uwan. Binaklas ng pamunuan ang nasirang bahagi upang maiwasan ang anumang panganib sa mga estudyante.

‎‎Ayon sa School Principal na si Edwardo Castillo, noong Lunes ng hapon, dalawang klase ang naibalik na sa kanilang mga silid matapos mauna ang paglilinis at pag-alis ng mga sira.

Samantala, isang klase ang nananatili pa rin sa gymnasium at pansamantala munang doon ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral habang tinatapos ang pagbabaklas sa natitirang silid-aralan.

--Ads--

‎‎Dagdag niya, agad nilang kinausap ang mga gumawa ng naturang silid at nangako namang aayusin agad ang mga naapektuhang classroom

‎‎Tinututukan ng pamunuan na maibalik din sa loob ang huling klase upang maging mas maayos ang pagpapatuloy ng kanilang pasok matapos ang pananalasa ng bagyo.