BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang tatlong manggagawa ng International Committee of the Red Cross habang dalawa naman ang sugatan dahil sa pag-atake sa eastern Ukraine.
Sinisisi naman ni Ukranian President Volodymyr Zelensky ang Moscow sa pagpaslang dahil mga Ukranians ang mga ito at tinawag niya pa itong panibagong Russian war crime.
Ayon naman sa ahensya, malinaw naman na may marka ang kanilang sasakyan at ginagamit ito araw araw bilang frontline sa rehiyon ng Donetsk.
Sinabi nila na naghahanda ang mga lulan into na magdala ng mga kahoy at uling sa mga kabahayan sa Viroliubivka village, sa nasabing rehiyon nang ito ay matamaan.
Gayunpaman, hindi pa nagsisimula ang pamamahagi nito kaya wala din nadamay na mga residente mula sa pagsabog.
Hindi naman nila kinumpirma ang pagkakakilanlan ng mga nasawi subalit kanilang kinokondena ang pag-atake.