Sinibak ang tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) matapos maglabas ng mga kontroberstal na isyu si Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy hinggil sa natatanggap umano nitong special treatment sa loob ng kulungan.

Sinabi ni Palace press officer Claire Castro, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at posible pang madagdagan ang mga opisyal na tatanggalin kung mapatunayan ang naturang kapabayaan.

Nang makabalik si Vitaly sa Russia ay naglabas ito ng mga pahayag kung saan kaniyang ibinahagi na nakatanggap umano siya ng “special treatment” habang nakapiit sa Pilipinas.

--Ads--

Kabilang sa ibinahagi ni Vitaly ay ang ilang mga litrato nito sa loob ng kulungan, na nagdulot ng pagputok ng mga katanungan mula sa mga netizens.

Matatandaang ginugol ni Vitaly ang ilang buwan na pagkakakulong sa Pilipinas dahil sa ipinakita nitong hindi kaaya-ayang kaugalian sa mga Pilipino, kabilang na ang pagsakay sa tricycle na nauwi sa banggaaan sa isang jeepney at pagkuha nito sa sumbrelo ng isang security guard.

Na-deport naman si Vitaly noong January 17 matapos ideklarang undesirable alien.

Pumutok din ang issue na ito matapos maglabas ng mga litrato si Vitaly habang ito ay nasa loob ng kulungan.