DAGUPAN, CITY— Arestado ang tatlong magkakapatid at asawa ng isa sa mga ito matapos pagtulungan saksakin hanggang mamatay ang isang retiradong pulis at asawa nito sa bayan ng Lingayen.
Nakakulong na ang magkakapatid na sina Jose Samson, Lolita Samson at Lilibeth Samson kasama ang asawa nito na si Gabby Magandi na nahaharap ngayon sa 2 counts of murder bawat isa at attempted homicide sa pagpatay sa mag asawang sina Rogelio Mamuyak at Myrna Mamuyak na kapwa mga residente ng Brgy Domalandan West sa bayan ng Lingayen.
Matatandaang nagkakantahan ang mga biktima kasama ang anak nilang si Rommel Mamuyak sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan nang biglang sumugod ang kanilang kapitbahay na mga suspect na nagsisigaw at hinahamon ang retiradong pulis na si Rogelio.

Agad naman na bumaba ang biktima para kausapin na magsi-uwi na sila sa kanilang bahay ngunit nagkaroon pa ng mainit na pag-uusap na nauwi sa pananaksak sa mag-asawa.
Agad namang nakatakbo ang anak ng mga biktima dahilan para hindi mahabol ng mga ito.
Nagsagawa ng manhunt operation ang mga kapulisan sa pangunguna ni PLTCol. Theodore Perez ang hepe ng Lingayen Police Station at nahuli ang mag asawa na si Lilibeth Samson at Gabby Magandi, at Jose Samsom.
Ayon sa naturang hepe nahuli na rin nila ang ika-apat na suspect na si Lolita Samson na nagtago sa syudad ng dagupan.
Samantala, bago ang incidente, nag-iinuman at nagkakasiyahan din ang mga suspect bago sumugod sa kanilang kapithabay.
Dating alitan ng magkapitbahay ang nakikitang motibo sa insedente.




