DAGUPAN, City— Tatlong kapitan ng barangay ang nahuli matapos lumabag sa protocols ng Extreme Enhance Community Quarantine sa bayan ng Bayambang.
Ang mga nasabing mga kapitan ay naaktuhan mismo sa Binlad Post mula naman sa barangay Tamaro, Garaban, at Viera.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt Col Norman Florentino , Hepe ng Bayambang PNP, ang mga kapitan na ito ay may pinatawan ng 1st offense sa protocols ng RA 113469 o mas kilala sa Bayanihan To Heal As One Act at sila ay sinampahan ng kaukulang mga kaso.
Aniya, ang mga ito ay lumabag din sa ibang direktiba gaya na lamang na lumagpas na ang mga ito sa curfew hours, walang suot na face masks at hindi pag-obserba ng social distancing.
Dagdag pa nito na kasama sa mga nahuli din sa naabing lugar ay ang 2 sibilyan na umiinom naman habang nanunuod ng sugal.
Sa ngayon ay naisampa na rin ang nabanggit na kaso para sa 3 kapitang nahuli.