Three houses burned in Bonuan Boquig, Dagupan City
Three houses burned in Bonuan Boquig, Dagupan City

BOMBO DAGUPAN – Tinupok ng sunog ang tatlong kabahayan matapos sumiklab sa apoy ang kurtina ng isang bahay sa Brgy. Bonuan Boquig, Dagupan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joseph Maramba, Brgy. Captain ng nasabing lugar, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente ng naturang lugar kaya’t agad naman silang rumesponde sa insidente at nakatawag ng mga kinauukulan.

Aniya na malaking tulong ang pagkakaroon nila ng fire truck sa Tondaligan Beach kaya mabilis din nilang naapula ang apoy.

--Ads--

Sa ngayon ay idinala na sa pagamutan ang mga nasugatan at nasaktang mga residente bunsod ng insidente, at nakahanda naman ang mga otoridad na magbigay at magpaabot ng mga kinakailangan ng mga nasunugang indibidwal.

Nagpapasalamat naman ito sa lahat ng mga tumulong sa pagapula ng apoy at tumulong sa mga apektadong residente na ilabas ang kanilang mga kagamitan.