Naitala ang tatlong insidente ng soil erosion sa Leonila Hill sa lungsod ng Baguio dahil sa patuloy na nararanasang pag ulan.
Kabilang dito ang soil erosion na nangyari sa isang pribadong riprap kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Erwyne Rowell Gayo, Committee Chairman Barangay Disaster Risk Reduction Management (BDRRM), sinabi niyang walang naapektuhan o lumikas sa insidente.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang kanilang pagmamanman sa mga nasasakupan nilang lugar, lalo na ngayong tuloy-tuloy ang pag-ulan.
Samantala, iniulat ng kagawad ang pagguho ng lupa sa Evangelista St., at posible rin umanong gumuho ang katabing lote, kaya nilagyan ito ng trapal at isinailalim sa masusing pagbabantay.
Dahil dito, nagpaalala sila sa mga residente na lumikas kung kinakailangan upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente.
Dagdag pa ng nasabing kagawad, nagiging problema rin nila ang baradong kanal sa lugar dahil sa mga dahon, dahilan upang hindi dumiretso ang agos ng tubig sa kalsada. //Bombo Radyo Baguio