BOMBO DAGUPAN – Tatlong bayan na ang nagpositibo na apektado ng african swine fever sa lalawigan ng La Union.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Alfiero Banaag, Chief Regulatory Division ng Department of Agriculture Region I na nagpositibo na rin ang bayan ng San Fernando kung saan pangatlong munisipyop na ito na apektado sa nasabing lalawigan.

Aniya na may 7 barangay ang apektado sa bayan ng Balaoan, 2 sa bayan ng Luna at isa naman sa lungsod ng San Fernando kung saan nasa 329 ang recorded cases sa Balaoan, 56 sa Luna at 30 naman sa San Fernando.

--Ads--

Sa kabuuan ay may 415 na kaso na ang naitatala.

Kaugnay nito ay nananawagan naman ito sa mga hog racers sa mga apektadong lugar na mainam na isurender na lamang nila ang kanilang mga alagang baboy para makatanggap ng cash assistance. Aniya ay wag ng ipagpilitan na katayin at ibenta pa ito sa publiko dahil mas lalong kakakalat ang nasabing virus bagkus na maagapan.

Patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga apektadong lugar gayundin ang paghihigpit sa mga pumapasok at lumalabas na karne hindi lamang sa La Union kundi maging sa buong rehiyon.