DAGUPAN CITY- Pormal nang sinimulan ngayong araw ang tatlong araw na Linguistic Society of the Philippines International Conference sa sison audituriom na pinangungunahan ng Pangasinan State University sa bayan ng Lingayen.
Ang Linguistic Society of the Philippines International Conference (LSPIC) ay isang prestihiyosong kumperensya na pinangungunahan ng Linguistic Society of the Philippines, ito na ang ika-7 na edisyon ng LSPIC, may temang “Language Through the Ages, Across the Regions”.
Ayon kay Dr. Elbert Galas ang Presidente ng Pangasinan State University na binubuo ito ng nasa 78 higher education institution mula sa ating bansa.
Layunin nito na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa sa larangan ng linggwistika, partikular sa mga wika at kultura ng Pilipinas at gayundin dito sa lalawigan ng pangasinan.
Sa pamamagitan ng LSPIC, ang mga kalahok ay makakapagbahagi ng kanilang mga karanasan, makakapagpalitan ng mga ideya, at makakapag-ugnayan sa mga kapwa nila linggwista at researcher.
Ang LSPIC 2025 ay isang mahusay na oportunidad para sa mga linggwista, researcher, at edukador na makipag-ugnayan at makipagpalitan ng mga ideya tungkol sa wika at kultura.