Dumalo sa tatlong araw na Basic Incident Command System Training Course ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Focal Persons, Safety Officers at mga piling empleyado mula sa iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga kawani ng lungsod sa pagtugon sa mga insidente o sakuna. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng tamang sistema ng pamumuno at koordinasyon.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ng iba’t ibang opisina para sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at tamang impormasyon na makakatulong sa lahat ng mga dumalo sa kanilang responsibilidad bilang parte ng Disaster Risk Reduction and Management ng syudad.
--Ads--