Sugatan ang tatlong kalalakihan matapos bumangga sa kasalubong na kotse ang sinasakyang motorsiklo sa bayan ng Burgos, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Ryan Jay Soriano, 25 anyos, at ang mga backrider nito na sina Rj Belao at Robert Jay Decano, 19 anyos na mga residente sa bayan ng Bani.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na binabagtas ng isang kotse na minamaneho ni Alvin Prado, 33-anyos ang kakalsadahan sa nabanggit na bayan nang bigla na lamang umagaw ng linya ang motorsiklo na nagresulta sa head on collission.

--Ads--

Bunsod nito ay tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na agad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng paunang lunas. with reports from Bombo Marianne Esmeralda